best dating

anxiety is killing me

anxiety is killing me

college is so suffocating now. its so hard dealing with academic pressure when you have anxiety. kakakuha ko lang ng grades ko sa accounting at ang baba ng score ko potangina

gusto ko na lang umiyak pero pinipigilan ko kasi ang dami ko pang gagawin. ano yun pati iyak dapat isschedule ?? its so discouraging when you're really trying your best pero the effort doesn't translate well

i tried to restrategize naman yung study technique ko but i guess bano lang talaga ako sa accounting. i wish i could accept that but i cant kasi wala akong fall back. for a midclass student, ang hirap iface yung guilt na bagsak test mo habang binabayaran ng mga magulang ko tuition ko na pagkamahal

and i just wanna say that impostor syndrome is also killing me. everyday, no fail talaga, lagi kong iniisip na ang tanga tanga ko. anong nangyari sakin? dati naman naghhonors ako sa school pero ngayon ramdam ko na ang bobo ko

dumagdag pa tong overthinking ko. lahat nalang inisip ko, pati kung ano tingin sakin ng mga tao. paano ba kasi maging masaya ? ang daling sabihin na baguhin yung perspective pero ang hirap gawin. everyday feels like i have to survive, and i really wanna seek professional help kasi nagkakaron na ng times na natatakot akong buksan laptop ko

minsan talaga gusto ko nalang magpahinga. simula pagkabata ganito na lagi nararamdaman ko, lagi na kong nappressure

Lord nahihirapan na talaga ako. gusto ko lang naman maging masaya. kelan magiging sapat yung effort na binubuhos ko
anonymous School May 04, 2024 at 8:35 am 0
Get Social and Share
Post a Comment
Text Only. HTML/Code will be saved as plain text.
Optional. Include your First Name in your Comment.